Hugot Travels – Ang Tula ng Lakwatsero

Hugot Travels – Ang Tula ng Lakwatsero

Stories are meant to be shared.

Babala, isa tong Hugot Post.

Para sa lahat ng naiwan, nasaktan at naisipang gawing libangan ang paglalakwatsa ng makalimutang ang masakit na nakaraan. Boom Hugot!

Ang Hugot ng Lakwatsero
Sabi mo maglalayag tayo, iikutin hanggang sulok ng mundo.
Liliparin ang kalawakan, magkahawak ang kamay walang bitawan.
Naniwala ako, dala lamang ay bagahe ng pagibig akoy naging sunod sunuran mo.
Handang sugurin ang hagabat at bagyo, matungtong lamang ang ating pangako.
Na ang isa’t – isay iibigin, pasasayahin at kailan man di paaasahin.

Pero pagmulat ko, ika’y wala. Sa isang iglap nakita kong sarili kong naglalakad at tulala.
Naghahanap.
Asan ka ba?

Maglalayag ako.
Iikutin hanggang sulok ng mundo.
Ikay pilit kakalimutan, hawak ang mapa at compass sa kama’y di ko ito bibitawan.

Naniwala ako, pero ngaun dala lamang ay nakalimutang pangako.
Mga bagahe ng pagibig na pinabayaan mo.

Namulat ako, ikay wala.
Sa isang iglap nakita kong sarili ko sa ulap, nakatulala.
Ngiti sa mukha.
Asan ka kaya?

Sana ika’y masaya.

 




Stories are meant to be shared.
Fra Jamir

Fra Jamir

Hi, I'm Fra, a complete nutjob and a junkie for wanderlust! Join me as I travel the Philippines and more. Let me share you my story and be inspired to live an adventurous & delicious life. ~Ta ta ta! Takaw Travels!